Soft Mist Inhaler
Ano ang soft mist inhaler?
Ang soft mist inhaler (SMI) ay isang gadget na ginawa para sa gamot sa baga para sa mga obstructive lung diseases. Ang paggawa ng soft mist ay mekanikal at hindi na kailangan ng pantulak na hangin. Ang disenyo ng SMI ay pinapaganda ang pag-deliver ng gamot na maaasahan at walang-pagbabago kapag ginagamit. Makakaasa ng mababang deposition ng gamot sa bibig at lalamunan pero mataas na deposition ng gamot sa baga, at mas mababang posibilidad ng komplikasyon sa bibig at lalamunan.
Mga bahagi ng SMI
Ang cap ay ginagamit upang proteksyon upang hindi madumihan ang inhaler. Dapat nakasara palagi ang takip kung hindi ginagamit. Ang mouthpiece ay ang parte na nilalagay sa bibig para mahigop ang gamot. Ang labasan ng hangin o air vent ay tumutulong para mapadali ang paghigop sa gadget. Ang bahagi rin ng SMI ay ang dose release button at dose counter.
Paano gamitin ang SMI?
SMI Assembly
Kailangan sundan at gawin ang mga sumusunod kapag bago ang inyong SMI.
- Habang nakasara ang takip, pindutin ang safety catch habang inaalis ang clear base. (Mag iingat na wag hawakan ang piercing element).
- Isulat kung kalian dapat itapon ang gamit na gadget. (Ito ay 3 buwan kung kailan unang nilagay ang cartridge).
- Ipasok ang makitid na bahagi ng cartridge papasok sa gadget.
- Ilagay ang gadget sa matigas na bagay tapos diinan pababa.
- Makakarinig ng isang “CLICK” at may matitirang 1/8 inch ng cartridge.(Wag tatanggalin ang cartridge kapag ito ay naipasok na)
- Ibalik ang clear base hangang sa may marinig na “click”. (Wag na aalisin ang clear base).
Paghahanda sa unang paggamit
- Habang sarado ang takip, ikutin ang clear base papunta sa direksyon na nasa label, hangang makarinig ng ‘click’ (kalahating ikot).
- Buksan ang takip.
- Habang nakatutok ang gadget paibaba, pindutin ang dose release button, tignan kung may mist.
- Ulitin ito hanggang 3 beses hanggang sa may lumabas na mist..
* Kapag hindi nagamit ang gadget ng higit sa 21 na araw, kailangan na ulit ihanda ito.
* Tandaan na ang mga hakbang sa paghahanda ng gadget ay hindi mababawas sa lamang dose nito.
IKOT (TURN)
- Habang sarado ang takip.
- Ikutin ang clear base sa direksyon ng nasa label hanggang sa may marinig na ‘click’ (half a turn).
BUKSAN (OPEN)
- Buksan ang takip.
PINDUTIN (PRESS)
- Huminga ng malalim at dahan dahang huminga palabas.
- Isara ang labi palibot sa mouthpiece ng hindi natatakpan ang air vents.Itutok ang gadget sa direksyon ng lalamunan.
- Habang dahan dahang humihinga gamit ang bibig, pindutin ang dose release button at ituloy ang paghinga ng dahan dahan hanggang sa makakaya.
- Pakatapos pigilan ang paghinga ng 10 segundo o hanggang sa makakaya.
- Ulitin ang IKOT(TURN), BUKSAN(OPEN), PINDUTIN(PRESS) pakatapos ng 30- 60 segundo, para sa ikalawang dose.
- Isara ulit ang takip hanggang sa gamitin ulit.
Ang SMI ay may dose counter sa gilid. Malalaman dito kung gaano pa karami ang natitirang dose ng gadget. Kapag ang pangturo ay nasa pula na, ibig sabihin nito ay mayroonn na lang itong laman na kasya para sa 7 araw. Mag plano na bumuli ng panibago. Kapag nakaabot na ang pangturo sa dulo ng pula, ibig sabihin wala na itong laman at mag-lock na ito.
Soft Mist Inhaler Part 3 (Paglinis at pagtago ng SMI)
- Itago ng Mabuti para hindi magamit ng mga bata.
- Huwag itong gamitin kapag lagpas nasa expiry date.
- Huwag ilagay sa sobrang lamig na lugar. Itago sa tuyo at malinis na lugar.
- Panatilihin na nakasara ang takip kung hindi ginagamit.
- Linisan ang mouthpiece, ang loob na bahagi, at ang panlabas ng gadget pagkatapos gamitin. Maaring gamitan ng basahan na may alcohol at pagkatapos ay punasan ng tuyo na basahan.
- Itapon na pakatapos ng 3 buwan simula sa paggamit ng cartridge.
- Itapon sa tamang lalagyan ng basura.