Nebulizer
Ano ang nebulizer?
Ang nebulizer ay isang gadget upang maconvert ang liquid solution upang maging aerosol na naglalaman ng iba’t ibang particles upang matulungan ang paghinga ng pasyente. Ang patuloy na daloy ng gamot ay hindi kinakailangan ng coordination sa tuwing gumagamit ng Nebulizer. Ibig sabihin, malaking bahagi ng gamot ang naipaparating sa daluyan ng hangin.
Kadalasang ginagamit ang nebulizer para sa asthma, cystic fibrosis, COPD at iba pang kundisyon ng baga. Maraming uri ng gamot ang maaring magamit sa Nebulizer.
Parts of a Nebulizer
Medicine Cup ang lalagyanan ng gamot. Kasama nito ang baffle. Ang baffle ang pumipigil sa malalaking bahagi ng gamot, pinipigilan itong mailabas at binabalik sa lalagyanan para magawa ulit bilang aerosol. Ang Top Piece o takip ay ginagamit para maiwasang matapon ang gamot at dito rin kinakabit ang tubo.
Nebulizer Mouthpiece at Facemask Pareho ang mouthpiece at face mask na ginagamit pang deliver ng gamot. Ang mouthpiece ang pinakamabisang pang deliver ng gamot, dahil naiiwasan na matapon ang gamot, naiiwan ang gamot sa tubing o napupunta sa hangin o mukha.
Ang face mask ay madaling gamitin ng pasyente at kailangan ito kapag hindi kaya gamitin ng pasyente and mouthpiece. Tandaan na sa paggamit ng face mask, maaaring maiwan ang ilang bahagi ng gamot sa ilong at mukha.
Ang thin plastic tubing ang kumokonekta sa lalagyan ng gamot kasama ang mouthpiece or face mask sa kompressor. Ito ang nagdadala ng kompressed na hangin galing sa kompressor papunta sa nebulizer.
Air machine (compressor) ang nagsisilbing makina ng hangin para gumana ang isang nebulizer.
How to use your nebulizer?
(Pag-iingat sa paggamit ng nebulizer habang may pandemya)
Ang Philippine College of Chest Physicians (PCCP) ay nagpalabas ng mga praktical na rekommendasyon at batayan sa pag-iingat at paggamit ng mga kagamitan na gumagawa ng ‘aerosol’.
Sinabi nila na ang possibleng mayroong panganib na magkaron ng pagkalat ng virus sa hangin mula sa paggamit ng nebulizer. Ito ay dapat iwasan. Subalit, kung kinakailangan ng bronchodilator, maaring gumamit ng mga tinatawag na metered-dose- inhalers na may spacers.
Maraming klase ngayon ng makina na pang nebulize at minsan ito ay iba-iba kung paano gamitin. Mahalaga na basahin ang mga tanda tungkol sa paggamit ng nebulizer.
Karaniwan, ang isang nebulizer ay napakadali gamitin, meron lang ilang hakbang na dapat sundin: Hinati namin ito sa dalawang bahagi, Unang una kailangan maghanda at matipon ang mga bahagi ng nebulizer at pangalawa ipapakita namin ang paggamit ng nebulizer.
Paghahanda ng Nebulizer
- Maghugas ng kamay ay dapat ginagawa bago gamitin ang nebulizer. Dapat siguraduhin na malinis ang gagamitin na nebulizer.
- Ihanda ang lalagyan ng gamot, takip, plastic na tubo at mouth piece o facemask. Ikonekta ang tubo sa lalagyan ng gamot, ilagay ang takip tapos i-connect sa mouthpiece o facemask.
- I-connect ang isang bahagi ng tubing sa nebulizer.
- Ilagay ang gamot, sunod sa payo ng doctor. Ang ibang gamot ay may nakahanda ng sukat na tinatawag na ‘unit dose vial’.
- Ngayon pwede na buksan ang nebulizer para gamitin.
Pagbibigay ng gamot gamit ang nebulizer
- Kung mag nebulize, tandaan na dapat nakatayo ang lalagyan ng gamot habang ginagamit ito para hindi matapon ang gamot at makatulong ito para magamit ang lahat ng gamot.
- Mas maganda na nakaupo habang gumagamit ng nebulizer.Mas makakahinga ng malalim upang mas maraming gamot ang makakapasok sa baga. Huminga na mabagal at malalim habang ginagamit ang mouthpiece.
- Dapat may makikita ka na ng mist na lumalabas sa mouthpiece o facemask habang ginagamit ang nebulizer.
- Kung gumagamit ng mouthpiece, ilagay ito sa gitna ng bibig at ngipin. Isara ang labi at napapalibutan ang mouthpiece para walang hangin ang lalabas.
- Kung gagamit ng facemask, dapat siguraduhin na walang lumalabas na mist sa gilid ng facemask. Tandaan na madami ang sukat ng facemask, siguraduhing tama and sukat ng iyong facemask.
- Tuloy tuloy huminga ng mabagal at malalim. Gawain ito hangang sa wala ng makitang mist na lumalabas sa facemask o mouthpiece. Kapag wala ng mist tapos na ang pagbigay ng gamot. Maaring tumagal ng 10-20 minuto ito, depende sa uri ng nebulizer or laman na gamot.
(Pag-iingat sa paggamit ng nebulizer habang may pandemya)
Ang Philippine College of Chest Physicians (PCCP) ay nagpalabas ng mga praktical na rekommendasyon at batayan sa pag-iingat at paggamit ng mga kagamitan na gumagawa ng ‘aerosol’.
Sinabi nila na ang possibleng mayroong panganib na magkaron ng pagkalat ng virus sa hangin mula sa paggamit ng nebulizer. Ito ay dapat iwasan. Subalit, kung kinakailangan ng bronchodilator, maaring gumamit ng mga tinatawag na metered-dose- inhalers na may spacers.